Wednesday, February 2, 2011

Aktibiti 4- TAYUTAY

  Pagtutulad (simile)
     -Ang tao ay kawangis ng Diyos.


Pagwawangis (metaphor)
    -Matigas na bakal ang kamao ni Manny Pacquiao.


 Pagtatao (personification)
   -Sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin.


  Pagmamalabis (hyperbole)
  -Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.


Inilahad ni:
RHOVICA G. ABALDE

Aktibiti 3- IDIOMS

takipsilim- palubog na ang araw              anak-dalita- mahirap
naniningalang pugad- nanliligaw             bukal sa loob- taos puso; tapat
kumukulo ang dugo- naiinis                    may sinabi- may kaya sa buhay; mayaman
tinamaan ng pana ni Kupido- umibig      kidlat sa bilis- napakabilis                
kabiyak ng dibdib- asawa                       namuti ang mata- nainip
dinadaga ang dibdib- natatakot               may gintong kutsara sa bibig- mayaman



Pag-ibig Nga Naman!

          Takipsilim na ng dumating si Bea sa kanilang bahay. Namuti ang mata niya subalit hindi dumating si Vincent sa kanilang tagpuan. Kumukulo ang dugo niya dahil 'di sya sinipot ng kasintahan at malamang ay pinigilan na naman nito ng ina. Ayaw sa kanya ng ina ni Vincent dahil sa sya ay isang anak-dalita. Hindi nga nya malaman kung bakit nagustuhan sya ni Vincent. Naaalala pa nya nung naniningalang pugad pa si Vincent sa kanya, lagi sya nitong binibigyan ng mapupulang rosas at tsokolate sa tuwing dadalaw sa kanila. Magiliw ito at pansin niyang bukal sa loob ang ginagawa nito para sa kanya pati na rin sa kanyang mga magulang. Kaya lang, nag-aalangan syang sagutin si Vincent dahil sa may sinabi ito sa buhay at may gintong kutsara na sa bibig pagkapanganak pa lamang, 'di gaya niya na mahirap pa sa daga ang kinabibilangan. Ayaw pa naman nyang matawag na "gold digger" subalit tinamaan sya ng pana ni Kupido kung kaya sinagot nya si Vincent at sa madaling salita ay naging sila. Parang kidlat sa bilis na nalaman ng ina ni Vincent na sila na. Hindi niya alintana ang sinasabi ng iba basta't ang alam niya ay mahal nya si Vincent. Naging  masaya naman si Bea sa piling ni Vincent ngunit hindi nya maiwasang di mangamba sa magiging bukas nilang dalawa. Mahal na mahal na nya si Vincent at pangarap nyang maging kabiyak ito ng dibdib kaya ipaglalaban nya ito sa ina nitong ayaw sa kanya't matapobre. Dinadaga man ang kanyang dibdib sa mangyayari sa hinaharap ay handa na sya bastat makasama lang ang lalaking mahal.

 Inilahad ni:
RHOVICA G. ABLADE

Monday, January 31, 2011

aktibiti 2

SILA: Sila ang dapat sisihin sa nangyari.
SINA/KINA: Sina Sarah at Toni ang mga paborito kong artista. 
               Ang bahay na ito ay kina Ate Vivian at Kuya Jess.


PINTO: Buksan mo ang pinto para makapasok ang sariwang hangin.
PINTUAN: Nakaharang sa pintuan ang aso kaya di ako makadaan.


HAGDAN: Nagmamadaling inakyat nya ang hagdan upang makarating sa silid ni Queen.
HAGDANAN: Ang kanilang hagdanan ay matibay kaya di ito natinag ng lindol. 


IWAN: Iwan mo na ako dito.
IWANAN: Iwanan mo sya at ibibigay ko lahat ng gusto't naisin mo.


SUNDIN: Dapat sundin ang payo ng mga magulang dahil ito ang nakakabuti sa atin.
SUNDAN: Susundan ko si Sarah Geronimo hanggang sa gumaling akong kumanta tulad nya.


TUNGTONG: Nasaan na ba ang tungtong ng kaldero dito?
TUNTONG: Sa wakas, nakatuntong din ako sa bahay ni Mely.
TUNTON: Natunton ko ang pinagtataguan ni Chelsea.


DAHIL: Hindi sya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang kanyang ulo.
DAHILAN: Ewan ko kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.


KUNG DI: Kung di lang naman ikaw, wag na lang sana.
KUNDI: Wag mo 'kong susubukan kundi lagot ka sa akin.




Inilahad ni:
Rhovica G. Abalde


               

Tuesday, January 25, 2011

aktibiti 1

SUBUKIN:  Subukin mo ang sabong ito at napakahusay.
SUBUKAN:  Subukan mo ang ginagawa ng mga mag-aaral sa klase.
PAHIRIN: Pahirin mo ang dumi mo sa iyong mukha.
PAHIRAN: Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
OPERAHIN: Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
OPERAHAN: Si Luis ay ooperahan sa Martes.
NAPAKASAL: Sina Ben at Gwen ay napakasal kahapon sa simbahan.
NAGPAKASAL: Ang nagpakasal sa kanila ay ang aming butihing mayor sa lalawigan.
DIN/DAW: Dapat din akong nandoon sa parte mamaya.
                   Kinakabahan daw siya para bukas.
RIN/RAW: Hindi raw siya naniniwala sa'yo.
                  Ayaw rin niyang kaibiganin si Anna.

Inilahad ni:
Rhovica G. Abalde