Wednesday, February 2, 2011

Aktibiti 4- TAYUTAY

  Pagtutulad (simile)
     -Ang tao ay kawangis ng Diyos.


Pagwawangis (metaphor)
    -Matigas na bakal ang kamao ni Manny Pacquiao.


 Pagtatao (personification)
   -Sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin.


  Pagmamalabis (hyperbole)
  -Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.


Inilahad ni:
RHOVICA G. ABALDE

Aktibiti 3- IDIOMS

takipsilim- palubog na ang araw              anak-dalita- mahirap
naniningalang pugad- nanliligaw             bukal sa loob- taos puso; tapat
kumukulo ang dugo- naiinis                    may sinabi- may kaya sa buhay; mayaman
tinamaan ng pana ni Kupido- umibig      kidlat sa bilis- napakabilis                
kabiyak ng dibdib- asawa                       namuti ang mata- nainip
dinadaga ang dibdib- natatakot               may gintong kutsara sa bibig- mayaman



Pag-ibig Nga Naman!

          Takipsilim na ng dumating si Bea sa kanilang bahay. Namuti ang mata niya subalit hindi dumating si Vincent sa kanilang tagpuan. Kumukulo ang dugo niya dahil 'di sya sinipot ng kasintahan at malamang ay pinigilan na naman nito ng ina. Ayaw sa kanya ng ina ni Vincent dahil sa sya ay isang anak-dalita. Hindi nga nya malaman kung bakit nagustuhan sya ni Vincent. Naaalala pa nya nung naniningalang pugad pa si Vincent sa kanya, lagi sya nitong binibigyan ng mapupulang rosas at tsokolate sa tuwing dadalaw sa kanila. Magiliw ito at pansin niyang bukal sa loob ang ginagawa nito para sa kanya pati na rin sa kanyang mga magulang. Kaya lang, nag-aalangan syang sagutin si Vincent dahil sa may sinabi ito sa buhay at may gintong kutsara na sa bibig pagkapanganak pa lamang, 'di gaya niya na mahirap pa sa daga ang kinabibilangan. Ayaw pa naman nyang matawag na "gold digger" subalit tinamaan sya ng pana ni Kupido kung kaya sinagot nya si Vincent at sa madaling salita ay naging sila. Parang kidlat sa bilis na nalaman ng ina ni Vincent na sila na. Hindi niya alintana ang sinasabi ng iba basta't ang alam niya ay mahal nya si Vincent. Naging  masaya naman si Bea sa piling ni Vincent ngunit hindi nya maiwasang di mangamba sa magiging bukas nilang dalawa. Mahal na mahal na nya si Vincent at pangarap nyang maging kabiyak ito ng dibdib kaya ipaglalaban nya ito sa ina nitong ayaw sa kanya't matapobre. Dinadaga man ang kanyang dibdib sa mangyayari sa hinaharap ay handa na sya bastat makasama lang ang lalaking mahal.

 Inilahad ni:
RHOVICA G. ABLADE